Modyular na Pagtuturo at Akademik Performans ng mga Mag-Aaral sa Filipino 10, Pampublikong Paaralan, Distrito ng Catigbian, Bohol
DOI:
https://doi.org/10.15631/ubafrj.v1i1.194Keywords:
modyular, akademik performans, pagtuturo, estratehiyaAbstract
Ang pag-aaral na ito ay may pangunahing layunin na suriin ang antas ng kahusayan ng modyular na pagtuturo batay sa persepsyon ng mga mag-aaral sa Filipino 10 at sukatin ang kanilang akademikong performans sa asignaturang ito sa Distrito ng Catigbian, Bohol, Taong Panuruan 2021–2022. Gamit ang Transactional Distance Theory (1997) bilang batayan, sinuri ang kahusayan ng modyular na pagtuturo sa apat na dimensyon: Nilalaman ng Module, Gabay sa Pagtuturo, Gabay sa Pagkatuto, at Pagtataya at Feedback. Ang pag-aaral ay binuo ng 192 respondente na napili sa pamamagitan ng random sampling. Natuklasan sa pamamagitan ng weighted mean na may positibong pananaw ang mga mag-aaral sa kahusayan ng modyular na pagtuturo, na may grand mean na 4.26, na itinuturing na “napakataas.” Gayunpaman, mababa ang akademikong performans ng mga mag-aaral sa Filipino 10, na may average iskor na 35.03 sa dalawang pagtataya, na nagpapahiwatig ng ilang hamon sa aktwal na pagkatuto. Ang mga resulta ay nagpakita ng makabuluhang ugnayan sa pagitan ng edad at akademikong performans, samantalang walang epekto ang kasarian sa akademikong resulta. Walang makabuluhang pagkakaiba sa persepsyon at akademik performans sa pagitan ng mga lalake at babae, at magkatulad ang kanilang resulta sa una at ikalawang pagtataya. Ang mga natuklasan ay nagpapakita ng pangangailangan para sa mga guro na magpatupad ng mas masusing gabay at alternatibong istratehiya sa pagtuturo upang matiyak ang epektibong paggamit ng mga module. Iminumungkahi rin ng pag-aaral ang pagrepaso sa mga nilalaman ng module at pagpapabuti ng feedback at interbensyon sa pagkatuto, na maaaring magdulot ng pagtaas sa akademikong performans ng mga mag-aaral sa Filipino 10.
Metrics
References
Akhter, T. (2020). Literature and society: a critical analysis of literary text through contemporary theory. Vol. 12, No. 3, 2228-2234. https://bit.ly/3xHsG8u
Alihuddin, N. (2021). Integration of Tausug literature in Filipino course: The case of MSU-Sulu. Indonesian Community Empowerment Journal, 1(2), 87–99. https://icejournal.com/index.php/icejournal/article/view/13
Ashrafuzzaman, M. et al. (2021). Learning English language through literature: Insights from a survey at university level in Bangladesh. https://bit.ly/3rL7MBJ
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2025 Diane T. Pongase (Author)

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.