Pagsusuring Pangnilalaman sa mga Piling Awitin ni Max Surban:  Mungkahing Gabay ng Pagtuturo

Authors

DOI:

https://doi.org/10.15631/ubafrj.v1i1.195

Keywords:

pagsusuring pangnilalaman, mga piling awitin ni Max Surban, lokal na awitin, kultural na pagpapahalaga ng mga Pilipino, dimensyong pantao, kontekstuwalisasyon

Abstract

Naglalayon ang pag-aaral na ito na masuri ang mga piling awitin ni Max Surban ayon sa sumusunod: genre, makabuluhang tampok batay sa tema, mga nangingibabaw na pagpapahalagang pantao batay sa pitong dimensyon nito at ang implikasyon ng paggamit ng mga lokal na awitin sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Gumamit ang pag-aaral ng kwalitatibong pamamaraan, partikular ang pagsasagawa ng pagsusuring pangnilalaman (content analysis), sa labinlimang (15) piling awitin ni Max Surban na naging popular sa mga taong 1976-2015 na kakikitaan ng kultural na aspeto ng lahing Pilipino. Ang mga nasuring piling awitin ni Max Surban ay karaniwang napabibilang sa mga genre na Popular (Novelty) at Country (Folk Music). Taglay ng mga awitin ang simpleng melodya at ritmikong tularan na nagbibigay nito ng katangiang pang-masa, at nagsasalaysay sa pabirong pamamaraan dahil sa taglay nitong komedya. Maliban dito, kakikitaan din ang nilalaman ng mga awitin ng paniniwala, kaugalian at pamumuhay ng lahing Pilipino. Taglay ng mga awitin ang makabuluhang tampok batay sa mga temang umiikot sa mayamang kultura ng mga Pilipino kagaya ng tradisyon, paniniwala, pagdiriwang, kaugalian, natatanging pagpapahalaga at kasaysayan ng lahi. Ang nangingibabaw na dimensyong pantao sa mga piling awitin ni Max Surban ay ang politikal – pagpapahalaga sa pamanang kultura. Makikita rin sa iilang awitin ang mayamang kasaysayan ng bansa at impluwensiya ng mga dayuhang mananakop sa mga kaugalian ng mga Pilipino na kanilang tinatangkilik pa rin sa kasalukuyan. Ang integrasyon ng mga awiting lokal bilang kagamitang pampagtuturo sa loob ng paaralan na kinapapalooban ng kaalamang kultural na magbibigay ng mga karanasang pampagkatuto sa mga mag-aaral na magdudulot ng mas personal, kawili-wili at makabuluhang proseso ng pagtuturo at pagkatuto. 

Metrics

Metrics Loading ...

References

ksan, J. A. (2021). Effect of modular distance learning approach to academic performance in Mathematics of students in Mindanao State University Sulu Senior High School amidst Covid-19 pandemic. Nakuha mula sa: https://bit.ly/3qq0lzS (huling na-access noong ika-10 ng Nobyembre 2021).

Anderson, S. (2020). How to significantly improve your academic performance. Nakuha mula sa: https://bit.ly/3n3Er3h (huling na-access noong ika-09 ng Nobyembre 2021).

Bell, M. J. (2018). Define academic performance. Nakuha mula sa: https://bit.ly/3D8MSzS (huling na-access noong ika-09 ng Nobyembre 2021).

Published

2024-04-30

Issue

Section

Articles

How to Cite

Pagsusuring Pangnilalaman sa mga Piling Awitin ni Max Surban:  Mungkahing Gabay ng Pagtuturo. (2024). UB Advancing Filipino Research Journal , 1(1), 14-27. https://doi.org/10.15631/ubafrj.v1i1.195