Morpolohikal at Sintaktikal na Pagsusuri sa Awit na Florante At Laura Ni Francisco “Balagtas” Baltazar
DOI:
https://doi.org/10.15631/ubafrj.v1i1.196Keywords:
Morpolohiya, intaks, Morposintaksis, Panlapi, PandiwaAbstract
Ang wika ay binubuo at nagtataglay ng mga di-matatawarang istruktura at kayarian na siyang nagpapalalim sa pang-unawa at kaalaman ng mga mag-aaral sa mga pangungusap at salita. Napakahalaga ang may sapat na kaalaman sa istruktura ng wika sa pakikisalamuha upang mas mapadali ang pakikipagtalastasan sa kapwa at naiiwasan pa ang di pagkakaunawaan. Kung kaya’t napakahalagang malinang ang mga kakayahan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng guro ng iba’t ibang gawain na may kaugnayan sa panitikan at istrukturang pangmorpolohiya at pansintaksis. Tulad ng iminumungkahi ng mga linggwista, ang paggamit ng wika at panitikan ay nangangailangan ng iba’t ibang kakayahan. Dahil ang pagtuturo ay itinuturing na sining, kinakailangang isagawa ang pagganyak sa masining na paraan. Dahil sa paggamit ng wika nakasalalay ang tagumpay ng kanyang pagiging guro. Kung kaya’t ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay nakasalalay sa kabisaan ng mga estratehiyang gagamitin ng mga guro sa paraang ang mga mag-aaral ay nagagawang maiugnay ang kanilang dating kaalaman sa mga bago nilang natutunan. Bilang isang guro, ang mananaliksik ay nagnanais na makapagbigay ng mga mungkahing gawain sa mga guro na maaaring magamit sa kanilang pagtuturo sa istrukturang panggramatika tulad ng morpolohiya at sintaks. Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang paggawa ng isang pagsusuri sa morpolohiya at sintaksis sa awit na Florante at Laura ni Francisco “Balagtas” Baltazar. Batay sa ginawang pagsusuri natuklasan na ang istrukturang pangmorpolohiya na kadalasang ginamit sa awit na Florante at Laura ni Francisco “Balagtas” Baltazar ayon sa kayarian ng salita ay maylapi at sa pagbabagong morpoponemiko naman ay reduplikasyon. Habang sa istrukturang pansintaksis naman, ang kadalasang ginamit ayon sa kayarian ng pangungusap ay tambalang pangungusap at sa ayos ng pangungusap ay kadalasan nasa di-karaniwang ayos. Samakatuwid, kung ang kabuuan ng pag-aaral ang pag-uusapan, hindi mahirap pag-aralan ang istrukturang pangmorpolohiya at pansintaksis sa wikang Filipino.
Metrics
References
Bacalla, L. (2019). Morpo-analisis ng wikang Tagalog at wikang Sugbuanun’g Binisaya: Pahambing na pag-aaral. Retrieved from: https://bit.ly/3jw8EZG (accessed 21 December 2022).
Bacalla, L. (2020). Wikang Tagalog at Wikang Sebuwano: Morpo-Analisis na Pagaaral. Retrieved from: https://bit.ly/3PRPMQK (accessed 23 December 2022).
Beeninga, J. (2022). The Study of Morphological Awareness for English Learners. Retrieved from: https://bit.ly/3vlWFQM (accessed 18 December 2022).
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2025 Ma. Frances G. Salva (Author)

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.