Kabutihang Naidulot at Suliraning Natamo sa Paggamit ng Social Media ng mga Mag-aaral Sa Filipino 8, Ikatlong Distrito ng Ubay, Bohol

Authors

DOI:

https://doi.org/10.15631/ubafrj.v1i1.197

Keywords:

Morpolohiya, intaks, Morposintaksis, Panlapi, Pandiwa

Abstract

Sa modernong panahon, maraming kabataan ang nahuhumaling sa iba’t ibang uri ng social media tulad ng Facebook, Twitter, at Instagram. Bilang guro, ninais ng mananaliksik na masuri ang mga kabutihan at suliraning dulot ng paggamit ng social media sa mga mag-aaral ng ikawalong baitang sa Filipino sa Distrito ng Ubay. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa gamit ang disenyo ng kwantitatibong pananaliksik, na may 185 na mga respondente mula sa limang mataas na paaralan sa Ikatlong Distrito ng Ubay para sa taong panuruan 2022–2023. Natukoy sa tulong ng weighted mean na nasa katamtamang antas ang paggamit ng social media ng mga mag-aaral. Ayon sa mga resulta, positibong nakakatulong ang social media sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Filipino, lalo na sa pagpapalawak ng bokabularyo at pag-unawa sa mga aralin. Gayunpaman, may mga suliraning dulot ang madalas na paggamit nito, tulad ng pagkadistrak mula sa pag-aaral at pagbaba ng atensyon. Sa pagsusuri gamit ang Spearman’s rho at chi-square, natukoy na may makabuluhang kaugnayan ang kasarian sa paraan ng paggamit ng social media, samantalang walang kaugnayan ang edad sa kabutihang naidudulot at mga suliraning natamo mula rito. Bukod dito, natuklasan sa t-test na may kaibahan sa kasarian sa paraan ng paggamit ng social media, kung saan mas madalas ang mga lalaki na gumamit nito para sa libangan kaysa sa pagkatuto. Samantalang pareho ang antas ng kabutihang naidudulot at mga suliraning nararanasan sa paggamit ng social media ng parehong kasarian. Ipinapakita ng pag-aaral na ang paggamit ng social media ay may potensyal sa pagpapabuti ng kasanayan sa asignaturang Filipino kung gagamitin ito nang maayos. Ang pag-aaral na ito ay nagmumungkahi ng mas matalinong pagpapasya sa paggamit ng social media, na maaaring maging instrumento sa mas mahusay na pagkatuto. Ipinapayo rin ang mga estratehiya upang mas epektibong magamit ang social media sa mga gawaing pampagkatuto ng mga mag-aaral sa Filipino.

Metrics

Metrics Loading ...

Author Biography

  • Jivelyn A. Betos, Department of Education, San Pascual National Agricultural High School

    San Pascual, Ubay, Bohol

References

Abrenica, J. et al. (2021) Effects of Social Media on Academic Performance of High School Students Under Pandemic (COVID-19) Situation http://bitly.ws/PCA6

Akman, I. at Turhan, C. (2017) Male and Female Differences in the Use of Social Media for Learning Purposes. http://bitly.ws/PBXD

Albay, Jonalyn ( 2017 ) Epekto ng modernisasyon ng wikang filipino sa pag-aaral ng mga Senior High School sa Unibersidad Ng Pangasinan.http://bitly.ws/yEjD

Published

2024-04-30

Issue

Section

Articles

How to Cite

Kabutihang Naidulot at Suliraning Natamo sa Paggamit ng Social Media ng mga Mag-aaral Sa Filipino 8, Ikatlong Distrito ng Ubay, Bohol. (2024). UB Advancing Filipino Research Journal , 1(1), 40-54. https://doi.org/10.15631/ubafrj.v1i1.197