Pagsusuring Kritikal sa Kwentong Bayan ng mga Piling Lungsod, Ikalawang Distrito, Lalawigan ng Bohol

Authors

  • Lanie R. Merencillo     Department of Education, Cabanugan National High School Author

DOI:

https://doi.org/10.15631/ubafrj.v1i1.198

Keywords:

kwentong bayan, pagsusuri, panitikan, tema, simbolo, salindila

Abstract

Sa pagkukwento, nangingibabaw ang kultura at paniniwala ng bawat isa, na sumasalamin sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. Gumamit ang pag-aaral na ito ng kwalitatibong pamamaraan ng pananaliksik, kung saan nalikom ang mga kwentong bayan mula sa mga piling lungsod ng Ikalawang Distrito sa Bohol sa pamamagitan ng triangulation method, na kinabibilangan ng paunang pananaliksik sa mga nailathalang kwentong bayan. Ang mga tauhang may mataas na estado sa lipunan ay nagsisilbing batayan sa magandang ugali, na kadalasang nakikita sa kanilang mga espesyal na kakayahan na nagbibigay ng inspirasyon sa paggawa ng kabutihan. Mahalaga ang mga tagpuan o lugar ng historikal na kaganapan sa pagkakabuo ng mga kwentong bayan ng mga Boholano, kung saan umiikot ang mga tagpo na naglalarawan ng karaniwang pamumuhay, paniniwala, at mga pagdiriwang na bahagi ng kanilang mayamang kultura. Makikita sa bawat kwentong bayan ang simbolismo na nagpapahiwatig ng kaugalian at paniniwala ng mga Boholano, na bumubuo sa kanilang kultural na pagkakakilanlan at nagsisilbing gabay sa kanilang pamumuhay. Ang mga kwentong ito ay hindi lamang nagsasalaysay ng nakaraan, kundi nagiging lunsaran din ng pagkatuto sa mga pagpapahalaga na kinakailangan para sa holistikong pag-unlad ng isang indibidwal. Ang mga kwentong bayan ay naglalarawan ng mga tradisyon at moral na aral na ipinapasa mula sa isang henerasyon tungo sa iba. Ang kultural na kamalayan ay lumalago sa mga kwentong bayan, na humuhubog sa moral at kultural na pananaw ng mga Boholano, at nagiging mahalagang bahagi ng kanilang pagkatao. Batay sa nakalap na datos, ang mga kwentong bayan ay nagpaunlad sa kaalaman ng mga Boholano sa kanilang kasaysayan at kultura, na nagbibigay ng konteksto sa kanilang kasalukuyang pamumuhay. Sa madaling salita, mas mauunawaan ng mga mamamayan ang kanilang mga kinagisnan at pamumuhay noon sa pamamagitan ng mga kwentong bayan, na nagbibigay-liwanag sa kanilang kasaysayan at nagpayaman sa kanilang kamalayang kultural at moral, na mahalaga sa kanilang pagkakakilanlan bilang mga Boholano at mga Pilipino.

Metrics

Metrics Loading ...

Author Biography

  • Lanie R. Merencillo,     Department of Education, Cabanugan National High School

    Cabanugan, San Isidro, bohol

References

Delahoyde, M. (2018, July 20). Critical theory: Introduction. Michael Delahoyde. Retrieved from: https://bit.ly/2ZG08xv (accessed last 30 November 2021).

Dundes, A., & Simon, B. J. (2007). Utah State University Digitalcommons@usu. Retrieved from: https://bit.ly/3dT1tED (accessed last 15 December 2021).

Foley, J. Miles (2019, January 6). Oral Tradition. Encyclopedia Britannica. Retrieved from: https://bit.ly/3rswIP1 (accessed last 17 November 2021).

Published

2024-04-30

Issue

Section

Articles

How to Cite

Pagsusuring Kritikal sa Kwentong Bayan ng mga Piling Lungsod, Ikalawang Distrito, Lalawigan ng Bohol. (2024). UB Advancing Filipino Research Journal , 1(1), 55-68. https://doi.org/10.15631/ubafrj.v1i1.198