Isang Pagsusuring Pangnilalaman sa mga Piling Makasaysayang Pelikulang Pilipino: Disenyo ng Aralin

Authors

DOI:

https://doi.org/10.15631/ubafrj.v1i1.202

Keywords:

Pagsusuri, Pelikulang Pilipino, Kasaysayan, Tayutay, Idyoma, Simbolismo, Kultural, Moral

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang mga piling makasaysayang pelikulang Pilipino na nakatuon sa mga tayutay, idyomatikong pahayag, simbolismo, kulturang Pilipino, at mga pagpapahalagang moral. Ang mga pelikulang sinuri ay kinabibilangan ng “Jose Rizal,” “El Presidente,” “Bonifacio: Ang Unang Pangulo,” “Heneral Luna,” at “Goyo: Ang Batang Heneral”. Ang mga natuklasan ay nagbibigay-diin sa paggamit ng masining na wika at simbolismo na sumasalamin sa mahahalagang temang kultural at kasaysayan, pati na rin ang ugnayan ng mga pangyayari sa kasaysayan at kasalukuyang isyu sa Pilipinas. Isang mungkahing disenyo ng aralin ang inihanda upang mapalalim ang pag-unawa at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa mga piling makasaysayang pelikulang Pilipino, na magiging gabay sa pagtuturo ng wika at kasaysayan. Ang pelikulang “Jose Rizal” ay nagtatampok ng limampu’t dalawang tayutay at labing-anim na idyoma tulad ng “balat-kayo” at “matamis na salita.” Ang “El Presidente” ay may labing-anim na tayutay at limang idyoma tulad ng “iharap sa dambana.” Ang “Bonifacio: Ang Unang Pangulo” ay naglalaman ng dalawampu’t walong tayutay at labing-isang idyoma, kabilang ang “walang puso.” Ang “Heneral Luna” ay may apatnapu’t tatlong tayutay at siyam na idyoma, kabilang ang “lumipat ng bakod,” habang ang “Goyo: Ang Batang Heneral” ay may tatlumpu’t pitong tayutay at labingtatlong idyoma tulad ng “malikot ang mata.” Ipinakikita ng pagsusuri na ang tayutay na pagwawangis ang nangibabaw sa bawat pelikula. Kabilang sa mga kilalang simbolismo ang pluma at papel sa “Jose Rizal,” ang nakabaliktad na watawat ng Pilipinas sa “Heneral Luna,” at ang palaspas sa “Goyo: Ang Batang Heneral.” Ipinapakita ng pagsusuri na ang tayutay na pagwawangis ang nangibabaw sa bawat pelikula. Binibigyang-diin din ng pag-aaral ang mga kulturang Pilipino tulad ng matibay na ugnayan sa pamilya, mga kaugaliang panrelihiyon, at paggamit ng mga paggalang na “po” at “opo.” Bukod dito, nangingibabaw ang mga pagpapahalagang moral tulad ng lakas ng loob, integridad, at kabutihan. Binibigyang-diin ng pag-aaral ang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng mga makasaysayang pangyayari na ipinakita sa mga pelikula at sa mga kasalukuyang kaganapan sa Pilipinas, na naglalarawan kung paanong patuloy na sumasalamin at nakakaimpluwensya ang mga makasaysayang kwento sa kontemporaryong lipunang Pilipino. Ang mga piling makasaysayang pelikulang Pilipino ay gumagamit ng matatalinghagang salita, simbolismo, at idyoma upang ipahayag ang mayamang kasaysayan at kultura ng bansa, na nagpapalalim ng pag-unawa at pagpapahalaga ng mga manonood sa mga nakaraang pangyayari at tauhan. Ang mga pelikulang ito ay hindi lamang nagbibigay-aliw kundi nagbibigay-aral at nag-aalok ng inspirasyon na ipinapakita ang patuloy na kahalagahan ng mga makasaysayang kuwento sa paghubog ng kamalayang kultural at pambansang pagkakakilanlan.

Metrics

Metrics Loading ...

Author Biography

  • Elma A. Ludivese, University of Bohol

    Tagbilaran City, Bohol

References

Albiladi, W. S., Abdeen, F. H., & Lincoln, F. (2018). Learning English through movies: Adult English language learners‘ perceptions. Theory and Practice in Language Studies, 8(12), 1567-1574. http://dx.doi.org/10.17507/tpls.0812.01

Apriliya, G. (2022). An Analysis of Figurative Language in The Dialogues Toba Dreams Film by Tb Silalahi. https://bitly.ws/3cz9M

Bales, B. P. (2020). Viewing History Through a Lens: The Influence of Film on Historical Consciousness (Doctoral dissertation, East Tennessee State University). https://bitly.ws/3czew

Published

2024-04-30

Issue

Section

Articles

How to Cite

Isang Pagsusuring Pangnilalaman sa mga Piling Makasaysayang Pelikulang Pilipino: Disenyo ng Aralin. (2024). UB Advancing Filipino Research Journal , 1(1), 116-129. https://doi.org/10.15631/ubafrj.v1i1.202