Pagsusuring Kritikal sa mga Alamat ng Ikatlong Distrito ng Bohol: Mungkahing Disenyo ng Aralin

Authors

DOI:

https://doi.org/10.15631/ubafrj.v2i1.204

Keywords:

alamat, dimensyon, kultura, moral, panitikan

Abstract

Ang isang kritikal na pagsusuri ay isang maikling teksto na naglalayong suriin at timbangin ang isang masining o pang-agham na gawa. Ang mga kritikal na pagsusuri ay mga tala na naglalarawan o nagbubuod sa pangunahing mga katangian ng nilalaman o tema ng akda. Ninais na makamtan ng pag-aaral na ito na malikom ang mga alamat sa bawat lungsod ng ikatlong distrito ng Bohol. Nilayon nitong masuri ang mga ito gamit ang Dimensyon ng Pagkatao at Kulturang Pilipino. Ang pag-aaral na ito ay nilapatan ng kwalitatibong pamamaraan ng pananaliksik. Ginamit sa kwalitatibo ang “content analysis” o pagsusuring pangnilalaman na kung saan ang mga mananaliksik ay nakipagpanayam sa mga taal na kalahok na makapagbibigay ng mga kwentong bayan o alamat na maririnig sa kani-kanilang lungsod. Napag-alaman na ang pisikal na dimensyon ang nakakuha ng may pinakamataas na bilang ng mga nakuhang pagpapahalaga na may bilang na dalawanpu’t lima (25). Sa kabilang banda, ang dimensyong politikal ay nakakuha ng pinakamababang tala ng pagpapahalaga na labindalawa (12). Nakita ang mga sumusunod na kulturang Pilipino na lumutang sa mga alamat ng ikatlong distrito: Pagiging masunurin sa magulang at paggalang sa desisyon ng mga ito; Pagiging magiliw sa mga panauhin; Pagiging totoo sa sarili; Pagkamadasalin at pagkamaka-Diyos; Pagtangkilik sa mga sa supernatural na nilalang; Maimpluwensya ang magulang sa desisyon ng anak; Pagkakaroon ng lakas ng loob; Bayanihan; Paglalakad; Mapagmasid; Pagmamahal sa likas na yaman; Pagkakaroon ng lakas ng loob; Pagkakaroon ng debosyon sa mga santo at santa; at Pagkamadasalin at pagkamaka-Diyos. Ito ay nagdulot ng implikasyon na halos magkapareho ang mga paksa ng alamat tungkol sa pagpapangalan ng lungsod na bunga ng hindi pagkakaunawaan ng magkaibang lahi. May mga lantad at hindi lantad na mga dimensyon sa bawat alamat na sinuri. Naglalaman ang mga ito ng kaalaman na umaayon sa kasaysayan ng lugar kung bakit naging ganito ang pangalan nito sa kasalukuyan. Ang Pisikal na dimensyon ay humakot ng pinakamataas na bilang na namataan sa mga alamat. Ito ay indikasyon na pinahahalagahan ng mga Boholano ang kaanyuan ng isang indibidwal. Ang kaanyuan ang magsasabi sa magiging estado sa komunidad ng isang indibidwal. Ang implikasyon sa kinalabasan ng pag-aaral na ito ay nagbibigay ito ng suporta sa lokal na mga kaalaman sa ating lugar. Pinapalakas nito ang pagbabahagi ng kasaysayan na hango pa noong unang panahon.

Metrics

Metrics Loading ...

Author Biography

  • Cleofe Marie Bagtasos, Catungawan National High School

    Teacher III, Catungawan Sur, Guindulman, Bohol

References

Britannica, T. Editors of Encyclopaedia. (2019, March 25). Bohol. *Encyclopedia Britannica*. Retrieved from https://bit.ly/3Jr5Ogv

Casibual, J. (2022). Of women and monsters: A case study of Philippine creature urban legends. Southeastern Philippines Journal Research and Development, 27(2), 23–34. https://doi.org/10.53899/spjrd.v27i2.143

Commoner. (2020). Why Philippine mythology is a constant reminder of our roots. Retrieved from https://bit.ly/3KR10kQ

Downloads

Published

2024-09-30

Issue

Section

Articles

How to Cite

Pagsusuring Kritikal sa mga Alamat ng Ikatlong Distrito ng Bohol: Mungkahing Disenyo ng Aralin. (2024). UB Advancing Filipino Research Journal , 2(1), 1-15. https://doi.org/10.15631/ubafrj.v2i1.204