Kasanayang Pampagkatuto at Akademik Performans ng mga Mag-aaral ng Filipino 11 sa Ikatlong Distrito ng Carmen, Bohol: Mungkahing Palatuntunang Panlunas

Authors

DOI:

https://doi.org/10.15631/ubafrj.v2i1.205

Keywords:

Kasanayang Pampagkatuto, Akademik Performans, Kompetensi, Mungkahing Palatuntunang Panlunas

Abstract

Ang kasanayang pampagkatuto ay isang kasanayan o kakayahan sa pagsasagawa na kinakailangan sa pag-aaral ng isang tao. Ang kasanayang ito ay makakamit lamang kapag ang isang indibidwal ay nagpapakita ng kakayahang magsagawa sa isang partikular na gawain. Ang kasanayang pampagkatuto ay pagsukat kung gaano kahusay ang isang indibidwal na maisagawa ang kinakailangan malinang na kasanayan. Ayon sa pag-aaral ni Patrick (2021) na ang mga puwang sa pagkatuto ay tumataas sa paglipas ng panahon kung ang mga mag-aaral ay kulang sa pundasyon sa mga kasanayan para sa kanilang mga pag-unlad. Upang masuri ang mga kasanayang pampagkatuto at akademik performans na nalinang ng mga mag-aaral, nagsagawa ng pilot testing sa isinagawang talatanungan ng mananaliksik sa sampung (10) mag-aaral ng Grade 11 na hindi sakop ng pag-aaral. Pagkatapos ng pilot test analysis, isinagawa ang pag-aaral sa mga kalahok sa paraang pasulit sa una at ikalawang markahan. Ang sample na populasyon ay umabot sa dalawang daan dalawampu’t apat (224) sa tatlong matataas na paaralan na sakop ng Ikatlong Distrito ng Carmen. Bago ang pananaliksik, ang mananaliksik ay humingi ng pahintulot sa mga kalahok at ang datos ay gagamitin lamang sa pananaliksik. Ang resulta ng pag-aaral ay nagpapakita na ang null hypothesis ay hindi tinanggap. Kaya naman, natuklasan na may makabuluhang pagkakaugnay sa kinalabasan ng akademik performans at mga marka ng mag-aaral sa una at ikalawang markahang pasulit. Natuklasan din na may makabuluhang antas ng baryans sa mga kasanayang pampagkatuto batay sa mga domeyn na pag-alala, pag-unawa, paggamit, pagsusuri, pag-eebalweyt, at paglikha.

Metrics

Metrics Loading ...

Author Biography

  • Jiecel H. Pondavilla, Katipunan National High School

    Department of Education,Katipunan, Carmen, Bohol

References

Bushway, D. J., Dodge, L., & Long, C. S. (2018). A Leader’s Guide to Competency-Based Education: From Inception to Implementation: Vol. First edition. Stylus Publishing.

Kapur, R. (2018). Factors influencing the students academic performance in secondary schools in India. University Of Delhi.

Patrick, S. (2021). Transforming Learning through Competency-Based Education. State Education Standard, 21(2), 23-29.

Downloads

Published

2024-09-30

Issue

Section

Articles

How to Cite

Kasanayang Pampagkatuto at Akademik Performans ng mga Mag-aaral ng Filipino 11 sa Ikatlong Distrito ng Carmen, Bohol: Mungkahing Palatuntunang Panlunas. (2024). UB Advancing Filipino Research Journal , 2(1), 16-25. https://doi.org/10.15631/ubafrj.v2i1.205