Pagsusuring Pangnilalaman ng Nobelang El Filibusterismo: Mungkahing Gabay ng Pagtuturo

Authors

  • Janilie E. Dabalos Candabong National High School Candabong Author

DOI:

https://doi.org/10.15631/ubafrj.v2i1.207

Keywords:

Pagsusuri, Nobela, Elemento, Kasanayan sa Pagtuturo, Pagpapahalagang Moral, Implikasyon, Gabay ng Pagtuturo

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang nilalaman ng nobelang El Filibusterismo ni Jose P. Rizal batay sa mga elementong itinatampok: tema, tauhan, tagpuan, himig, at simbolismo. Gayundin ang pagpapahalagang moral, makabuluhang tampok na nangingibabaw sa bawat kabanata at ang implikasyong kinalabasan sa nobelang ito sa kasanayan sa panitikang Filipino upang makabuo ng gabay ng pagtuturo. Ginamit ang Kwalitatibo na pagsusuri sa pag-aaral na ito. Sinuri ng mananaliksik ang limang elemento sa nobela. Gamit ang isinaayos nina Lolita Samson- Edonia at Flerida S. Banaticla na aklat ng El Filibusterismo na nailimbag sa Vicente Publishing House, Inc. taong 2005, bilang instrumento sa pag-aaral. Natuklasan sa isinagawang pag-aaral na ang elementong itinatampok sa nobela batay sa tema ay tumatalakay sa paghahari ng kasakiman, isyung panlipunan, politikal, at relihiyon; sa tauhan ay nagtataglay ng bilog at lapad na uri, protagonista at antagonista, pantulong na tauhan rin sa katangian; nailarawan naman nang maayos ang tagpuan sa bawat kabanata ng nobela naging bahagi sa kanilang pamumuhay, naghubog sa katauhan at nakadagdag sa damdaming kanilang naramdaman; nagkakaibang himig naman ang namayani sa nobela gaya ng pagnanais na makapaghiganti, galit, poot, pagsasakripisyo kung saan ito ang sumasalamin sa mga dinaramdam ng mga tauhang namayani sa akda. Ipinapakita rin sa nobela ang iba’t ibang katauhan ng El Filibusterismo na kung saan ang mga tauhan ring ito ang sumisimbolo sa mga bagay, tao, lugar at katangian na nagpapahiwatig ng ibat- ibang kahulugan. Natuklasan ang pagpapahalagang moral na nangingibabaw sa akda na ang bawat simula ay may katapusan, piliin ang kalangitan sa halip na kasamaan at kadiliman, ang karunungan ay hindi maagaw kanino man, ang mabuting pinuno ay mabuting tagasunod, pagmamahal, pananalig sa Diyos.Natuklasan din ang mga implikasyong maidudulot ng kinalabasang kasanayan sa pagtuturo ng panitikan sa asignaturang Filipino. Ang nabuo mula sa pananaliksik na ito ay isang gabay ng pagtuturo. Maaaring gamitin ang gabay sa pagtuturo ng panitikan sa asignaturang Filipino upang mas maging makabuluhan ang pagkatuto mga mag-aaral.

Metrics

Metrics Loading ...

Author Biography

  • Janilie E. Dabalos, Candabong National High School Candabong

    Department of Education, Anda, Bohol

References

Allan (2006). The Main Sociological Theories. https://bit.ly/3jm9Z24

Howard, M. (2013). Symbolism & imagery in literature: Definitions & examples video. https://bit.ly/34oZ7qn

Pascual, B. P. [Benjamin]. (2015, March 11). LALAKI SA DILIM ni Benjamin Pascual: ISANG PAGSUSURI [Journal]. Lhesabante. https://bit.ly/3FDvPHl

Downloads

Published

2024-09-30

Issue

Section

Articles

How to Cite

Pagsusuring Pangnilalaman ng Nobelang El Filibusterismo: Mungkahing Gabay ng Pagtuturo. (2024). UB Advancing Filipino Research Journal , 2(1), 40-53. https://doi.org/10.15631/ubafrj.v2i1.207