Morpo-sintaktika at Pangnilalaman na Pagsusuri sa Sarsuwelang “Walang Sugat” ni Severino Reyes
DOI:
https://doi.org/10.15631/ubafrj.v2i1.211Keywords:
Morpo-sintaktikang Pagsusuri, Pangnilalaman na Pagsusuri, Sarsuwela, Walang SugatAbstract
Ang wikang Filipino ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino at kumakatawan sa kultura, tradisyon, at kasaysayan ng bansa. Bilang pagpapahalaga sa wika, mahalagang magkaroon ng mga gawaing nagtataguyod sa paggamit nito. Ang pag-aaral ng mga akda ni Severino Reyes, tulad ng “Walang Sugat,” ay mahalaga dahil sa makasaysayang kontribusyon nito sa panitikan at teatro ng Pilipinas. Ang wika at panitikan ay magkaugnay sapagkat ginagamit ang wika sa paglikha ng panitikan, habang ang panitikan ay nagiging daluyan ng kultura at tradisyon gamit ang wika bilang midyum. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang morpolohiya, sintaktika at pangnilalaman na aspeto ng “Walang Sugat.” Sinuri ang karaniwang kayarian ng salita, pagbabagong morpoponemiko, at aspekto ng pandiwa pati na rin ang ayos, kayarian, at uri ng pangungusap ayon sa tungkulin. Natuklasan sa pagsusuri sa morpolohiya na madalas gamitin ang maylapi, reduplikasyon, at kontemplatibo habang sa sintaksis naman ay di-karaniwan, payak, at paturol ang pangungusap. Nangingibabaw sa akda ang temang pagmamahal sa bayan at sakripisyo, pagpapahalaga sa moralidad, kulturang Pilipino, at katotohanang panlipunan. Ang mga natuklasan ay may implikasyong nagtataguyod ng mas malalim na kasanayan sa wika at panitikan, na maaaring maging gabay sa pagbuo ng mga kagamitang pampagtuturo para sa epektibong pag-aaral ng Filipino.
Metrics
References
Baisa-Julian, A., Del Rosario, M. G., Lontoc, N., & Dayag, A. (2017). Pinagyamang PLuma.
PHOENIX PUBLISHING HOUSE, INC.
Chi, C. (2024, June 19). Philippines ranks at the bottom of new PISA test on creative thinking.
Philstar.com. https://bit.ly/4cyBE9u
Chomsky, N. (1957). Syntactic structures. Mouton. https://bit.ly/3BqHA7c
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2024 Judy Anne B. Balagot, Catherine B. Orcullo (Author)

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.