Kabisaan ng Dulog Eksperyensyal sa Pagtuturo ng Gramatika sa mga Mag-Aaral ng Filipino 11 ng Pamantasan ng Bohol
DOI:
https://doi.org/10.15631/ubafrj.v2i1.213Keywords:
Kabisaan, Dulog Eksperyensyal, Tradisyunal, akademik perpormans, Pre-Test, Post- Test, kakayahang gramatikaAbstract
Nilalayon ng pag-aaral na ito ang masukat ang kabisaan ng dulog eksperyensyal sa pagtuturo ng gramatika sa mga mag-aaral ng Filipino 11 ng Senior High School ng Pamantasan ng Bohol, Siyudad ng Tagbilaran, Bohol, Unang Semestre, Taong Panuruan 2019-2020: Mungkahing Kaparaanang Pampagpabuti. Ang pag-aaral na ito ay naihahanay sa eksperimental na pananaliksik at sa pagsusuri ng dokumento na ginamitan ng dalawang pamamaraan sa pagtuturo, ang Tradisyunal at ang Cross-Age Peer Tutoring. Sa pagsusuri ng mga datos ginamit ang sumusunod na istatistikal na pormula: simple percentage, arithmetic mean, t-test, Pearson Product Moment Coefficient of Correlation at One-way ANOVA. Sa katiyakan, nilalayong makuha ang propayl ng mga piling mag-aaral sa STEM Filipino 11 batay sa kasarian at akademik perpormans, antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa gramatikang Filipino ng pangkat Tradisyunal at pangkat Eksperimental batay sa apat na komponent sa kakayahang gramatika at ang maimumungkahing kaparaanang pampagpabuti. Batay sa ginawang masusing pagsusuri, napag-alaman ng mananaliksik na mayroong makabuluhang antas ng pagkakaiba sa pagitan ng Pre-Test at Post-Test ng pangkat Tradisyunal at pangkat Eksperimental. Sa nabuong kongklusyon, mas mabisa ang tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo ng gramatikang Filipino. Ito ay nangangahulugan na naging epektibo ang pagtalakay ng guro sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Metrics
References
Arnilla, A.K. (2013). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Wisemans Book Trading, Inc.
Arrogante, J. at Garcia, L. (2004). Kakayahang Pilipino sa Komunikasyong Filipino. National Book Store.
Atanacio, H., Golloso, H., Luna, G., Ruzol, H. Ungriano, A.L., & Magdalena, J. (2009). Komunikasyon sa Akademikong Filpino (Dulog Modyular). Grand Book Publishing House, Inc.
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2024 Virginia B. Bongcac (Author)

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.