Pagsusuri sa mga Piling Spoken Word Poetry Ni Juan Miguel Severo: Mungkahing Disenyo Ng Aralin

Authors

  • Enemecio H. Dela Torre Jr. University of Bohol

DOI:

https://doi.org/10.15631/aubgsps.v15i1.145

Keywords:

Mungkahing Disenyo Ng Aralin, wikang Filipino, karanasan ng mag-aaral, pagtuturo ng wika at panitikan

Abstract

Ang pag-aaral ay pinamagatang Pagsusuri sa mga Piling Spoken Word Poetry ni Juan Miguel Severo.Layuning nitong suriin ang nilalaman batay sa sumusunod: elementong napapaloob sa piling SWP ayon sa sukat, tugma, talinghaga at kariktan; temang napapaloob sa piling SWP; simbolismong taglay ng sinuring SWP. Ang pag-aaral ay nakaangkla sa Teoryang Behaviorism ni Skinner (1988) at Social Learning Theory ni Bandura at Walters (1977). Ang desinyong kwalitatibo na panunuring pangnilalaman ang ginamit sa pag-aaral. Natuklasan sa pagsusuri sa mga piling SWP na taglay ang malayang sukat, malayang tugma, kasiningan ng pagpapahayag, pagbabahagi ng karanasan ng may-akda, pag-ibig ang tamang nakatanim sa mga SWP, at kinapapaloobang ito ng simbolismo. Natuklasan sa pagsusuri batay sa sukat na taglay ang malayang sukat. Batay sa tugma, natuklasan na taglay ang malayang tugmaan. Batay sa talinghaga natuklasan na taglay ang kasiningan ng pagpapahayag, Natuklasan na nakatuon sa pagbabahagi sa karanasan ng may-akda. Natuklasang patungkol sa pag-ibig ang temang nakatanim sa lahat ng sinuring SWP, at kinapapalooban ng mga simbolismo. Ang temang nangingibabaw ay patungkol sa pag-ibig. Sa pagpapalalim ng kahulugan, ang simbolismo ay maaaring makatulong upang ang ibig ipakahulugan ang maikubli. Ang pagtuturo ng wikang Filipino ay layunin ng mga guro para sa ikakaunlad ng mga mag-aaral. Magiging makabuluhan ang pagkatuto kung nagkakaroon ng motibasyon ang mga mag-aaral sa pagtamo ng kaalaman. Batay sa nabuong konklusyon, inihain ang rekomendasyon: Iminumungkahi ang paglathala ng kinalabasan sa pag-aaral at nang mabasa ng mag-aaral at guro ang mga piling SWP. Ang guro sa Filipino ay hinihikayat na kilalanin ang makabagong paraan ng pagpapahayag sa pamamagitan ng SWP. Inirekomenda na gamitin ang mga SWP sa pagtataya sa kakayahan ng mag-aaral sa pagpapahayag ng mga kaalaman. Gamitin ang mga tauklasan sa pag-aaral bilang lunsaran sa pagpapayaman ng kasanayan sa paghuhulma ng wikang Filipino bunga ng karanasan ng mag-aaral, Inirekomenda ang paggamit ng disenyong aralin para sa pagpapalawak sa pagtuturo ng wika at panitikan.

References

Aguilar, R., Buenaventura, E. M., Jocson, M. O., Pegtuan, Z. M., Santos, D. C. at San Valentinches, L. S. (2013). Panitikan ng Pilipinas: Rehiyunal na pagdulog. Paretos, Metro Manila: Grandbooks Publishing Inc.

Downloads

Published

2019-09-22

Issue

Section

Articles