Penomenolohiya sa Lakbay-Pagkatuto ng mga Nakapagtapos sa Master of Arts in Teaching Filipino, Lalawigan ng Bohol

Authors

DOI:

https://doi.org/10.15631/ubafrj.v1i1.199

Keywords:

 transpormatibong pagkatuto, disoryentasyon, transpormasyon, propesyonal na pag-unlad, penomenolohiya

Abstract

Napapaloob sa mala-kapsulang deskriptor 7 ang mga pamantayang ipinatupad ng Commission on Higher Education para sa mga paaralang gradwado sa programang masteral lalo na ang pamantayang mas maunlad na kaalaman at kasanayan at pagkatutong panghabambuhay. Sa pagsasaalang-alang ng nabanggit na pamantayan, hinahangad ng mananaliksik na masubaybayan ang transpormasyon ng mga mag-aaral sa tulong ng kanilang pag-aaral sa Master of Arts in Teaching Filipino na mahahango sa mga panayam ng 12 mag-aaral na nagtapos sa dalawang pamantasan ng Bohol. Sang-ayon sa teoryang transpormatibong pagkatuto, ang isang propesyonal ay nagkakaroon ng disoryentasyon na nakapag-udyok sa kanya na magsagawa ng masusing paglilimi sa kanyang kaalaman, kasanayan at kaugalian tungo sa pagbuo ng paglalahat. Isinagawa ang pampenomenolohiyang pananaliksik sa layuning matukoy ang transpormasyong naganap kaugnay sa kanilang kaalaman at kasanayan sa tulong ng mga sosyal na konteksto. Mula sa mga tugon ng mga kalahok, masasabing nakatulong sa kanilang transpormasyon ng pagkatao at sa propesyon ang kanilang mga kaalaman at kasanayang pedagohikal, nilalaman ng asignatura, kasanayan sa ika-21 siglo at ang mga sosyal na konteksto katulad ng mga kagamitan at pasilidad, kasamahan at katalakayan, at kurikulum. Kung kaya, masasabing mabuting katuwang man sa lakbay-pagkatuto ng mga mag-aaral ang dalawang pamantasan, nangangailangan pa rin ng transpormatibong kaparaanang pampagpabuti upang matugunan ang iba pang pangangailangan ng mga propesyonal sa kanilang pag-unlad.

Metrics

Metrics Loading ...

Author Biographies

  • Ethel Soliva-Doria, Holy Name University

    Tagbilaran City, Bohol

  • Maria Luisa L. Arbasto, University of Bohol

    Tagbilaran City, Bohol

References

Buenvinida & Yazon at (2017) Assessment of Graduates of Master of Arts in Education (MAED) in one State University in the Philippines Research and Statistics Center. Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research, 5(2), 77-86. https://bit.ly/3bwcJsA

CHED Memorandum Order, blg. 15, s. 2019. Policies, Standards, and Guidelines for Graduate Programs. Artikulo III, Seksyon 6.1-6.2. Commission on Higher Education. https://bit.ly/3X9DmXO

Dochy, F., Gijbels, D., Segers, M., & Van den Bossche, P. (2011). Theories of Learning for the Workplace: Building blocks for Training ang Professional Develment Programs. Routledge. https://bit.ly/3GUdNT0

Published

2024-04-30

Issue

Section

Articles

How to Cite

Penomenolohiya sa Lakbay-Pagkatuto ng mga Nakapagtapos sa Master of Arts in Teaching Filipino, Lalawigan ng Bohol. (2024). UB Advancing Filipino Research Journal , 1(1), 69-85. https://doi.org/10.15631/ubafrj.v1i1.199