Makabagong Sistema ng Pamamahala sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Filipino 11 ng Dagohoy National High School, Dagohoy, Bohol
DOI:
https://doi.org/10.15631/ubafrj.v1i1.200Keywords:
chatbot messenger, kasanayang pampagkatuto, Filipino 11, mixed-method design, eksperimental, kinontrolAbstract
Ang pag-aral na ito ay naglalayong matasa ang kabisaan ng chatbot messenger bilang isang sistema ng pamamahala sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Filipino 11 ng Dagohoy National High School, Dagohoy, Bohol, Ikatlong kwarter ng Taong Panuruan 2022-2023. Ginamit sa pag-aaral na ito ang magkahalong pamamaraang Kwantitatibo at Kwalitatibo. Natuklasan sa pag-aaral na matapos ang im-plementasyon batay sa markang natamo at antas ng masteri, mas nangingibabaw ang performans ng pangkat eksperimental kaysa sa pangkat kinontrol; nararanasan ng mga mag-aaral ang pag-unlad ng kanilang pakikilahok at motibasyon, paglawak ng pagkatutong pangwika, matatag na interaksyong gu-ro-mag-aaral, hitik na bunga ng pagkatuto, at matagumpay na integrasyong teknolohikal; may maka-buluhang pagkakaiba sa pagitan ng pauna at pangwakas na pasulit batay sa performans ng pangkat eskperimental; may makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng pangkat eksperimental at pangkat ki-nontrol batay sa pangwakas na pasulit at mean gain ng markang natamo; may makabuluhan pagkakai-ba sa performans ng mga mag-aaral sa pagitan ng pangkat eksperimental at kinontrol ayon sa antas ng masteri sa mga kasanayang pampagkatuto sa pangwakas na pasulit; walang makabuluhan baryans sa pagitan ng siyam na kasanayang pampagkatuto ayon sa antas ng masteri nito pagkatapos ng imple-mentasyon sa pangkat eksperimental; at walang makabuluhan baryans sa pagitan ng apat na dimensy-on sa antas ng pagtanggap ng sistemang chatbot messenger. Iminumungkahi sa mga mag-aaral na maglaan ng sapat na oras at pagkakataon upang magamit ang chatbot messenger; ang mga guro ay dapat na maging malikhain sa paggamit ng chatbot messenger; itakda ang mga limitasyon sa paggamit ng chatbot messenger sa pagtuturo; maglaan ang paaralan ng pondo at isama ang paggamit ng chatbot messenger sa mga polisiya at programa; at iminumungkahi ang mas malawak na pag-aaral hinggil sa pagtatasa sa kabisaan ng chatbot messenger na sumasaklaw sa iba pang larangan ng pag-aaral o asigna-tura.
Metrics
References
Bakla, A. (2018). Learner-generated materials in a flipped pronunciation class: a sequential explanatory mixed-methods study. Comput. Educ. 125, 14–38. https://doi.org/10.1016/j.compedu.2018.05.017
Chang, S. C., & Hwang, G. J. (2018). Impact of an augmented reality-based flipped learning guiding approach on students’ scientific project performance and perceptions. Comput. Educ. 125, 226–239. https://doi.org/10.1016/j.compedu.2018.06.007
Garcia-Brustenga, G., Fuertes-Alpiste, M., Molas-Castells, N. (2018). Briefing paper: Chatbots in education. Barcelona: eLearn Center. https://dx.doi.org/10.21125/edulearn.2022.0846
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2025 Jeson J. Galgo, Maria Luisa L. Arbasto (Author)

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.