Awiting Bisaya Sa Musika Ng Pilipinas (Vispop): Isang Mapanghamon Na Paglalakbay Sa Larangan Ng Komunikasyon At Pananaliksik Sa Wika At Kulturang Pilipino

Authors

DOI:

https://doi.org/10.15631/ubafrj.v2i1.210

Keywords:

Awiting Bisaya, Visayan Popular, VisPop, Wika, Kulturang Pilipino, Komunikasyon, Pananaliksik, Thematic Content Analysis

Abstract

Ang wika ay isang mahalagang instrumento sa pakikipag-ugnayan at pagpapalaganap ng kultura. Kasama ng wika, ang musika ay isang paraan ng pagpapahayag ng damdamin at ideya. Sa pag-usbong ng Visayan Popular (VisPop), isang genre ng musika mula sa Kabisayaan, naging makulay ang pagtangkilik ng kabataan sa mga musikang Bisaya, bagamat mas popular ang banyagang musika. Dito pumapasok ang mahalagang papel ng guro sa pagpapalaganap ng wika at kultura sa pamamagitan ng mga awiting Bisaya. Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng kwalitatibong disenyo at thematic content analysis upang maipakita ang mensahe ng mga piling awiting Bisaya. Napili bilang kalahok ang mga Grade 11 na mag-aaral ng Pres. Carlos P. Garcia Technical Vocational School of Fisheries and Arts. Ang mga awit Bisaya ay may iba’t ibang mensahe tulad ng pag-ibig, pagkabigo, pagmamahal, at pagmamalaki sa pagiging Bisaya. Ipinakita sa mga awit ang malalim na pagpapahalaga sa pamilya, komunidad, at ugnayan ng mga tao. Iminumungkahi ng pag-aaral na isama ang mga awiting Bisaya sa kurikulum ng Komunikasyon at Pananaliksik upang mapalaganap ang pagpapahalaga sa sariling wika at musika ng Pilipinas.

Metrics

Metrics Loading ...

Author Biographies

  • Mitzi Riva M. Isulat, Pres. Carlos P. Garcia Technical Vocational School of Fisheries and Arts – Puerto San Pedro

    Bien Unido, Bohol

  • Catherine B. Orcullo, Bohol Island State University

    Carlos, P. Garcia Avenue, Tagbilaran City, 6300 Bohol

References

Ball-Rokeach, S. J., & DeFleur, M.L. (1976). A dependency model of mass media effects. Communication Research, 3, 3-21. SPRING 2001 THEORY WORKBOOK. 2000. https://tinyurl.com/56jts6vw.

Beard, T. (2023). Classical Conditioning: How It Works and Examples. https://tinyurl.com/ycx6k7ww.

Delahoyde, M. (2018). Critical theory: Introduction. Michael Delahoyde. https://bit.ly/2ZG08xv

Downloads

Published

2024-09-30

Issue

Section

Articles

How to Cite

Awiting Bisaya Sa Musika Ng Pilipinas (Vispop): Isang Mapanghamon Na Paglalakbay Sa Larangan Ng Komunikasyon At Pananaliksik Sa Wika At Kulturang Pilipino. (2024). UB Advancing Filipino Research Journal , 2(1), 82-94. https://doi.org/10.15631/ubafrj.v2i1.210