Pagsusuring Pangnilalaman sa mga Piling Orihinal na Pilipinong Musika (OPM): Disenyo ng Aralin

Authors

DOI:

https://doi.org/10.15631/ubafrj.v2i1.212

Keywords:

Wika, OPM, morpolohikal, elemento, pagsusuring pangnilalaman

Abstract

Ang wika ay isang mahalagang kasangkapan sa pakikipagtalastasan na nagbibigay-daan upang maipahayag ang saloobin, damdamin, at ideya ng tao. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang masuri ang nilalaman ng mga piling Orihinal na Pilipinong Musika (OPM) mula 2022-2024. Layuning nitong suriin ang nilalaman batay sa sumusunod: morpolohikal na istrukturang nakapaloob sa piling OPM ayon sa kayarian ng salita, pagbabagong morpoponemiko, at aspekto ng pandiwa at elemento ng akdang pampantikan na nakapaloob tulad ng genre, tema, simbolismo, idyomatikong pahayag, at kulturang Pilipino. Nilalayon din ng pag-aaral na makabuo ng disenyo ng aralin na maaaring gamitin sa pagtuturo ng Filipino upang mapataas ang interes at pagkatuto ng mga mag-aaral. Ginamit sa pag-aaral ang kwalitatibong pamamaraan, partikular ang pagsusuring pangnilalaman o content analysis. Batay sa pagsusuri, natuklasan na ang morpolohikal na kayarian ng mga piling OPM ay binubuo ng payak, maylapi, at inuulit na salita, nagpapakita ng mga pagbabagong morpoponemiko tulad ng reduplikasyon, asimilasyon, pagpapalit, at pagkakaltas ng ponema, at mga aspekto ng pndiwa na perpektibo, imperpektibo at kontemplatibo.   Ang mga liriko ng kanta ay nagtataglay ng genre na pop kasama ang makabuluhang tema, simbolismo, idyomatikong pahayag, at kulturang Pilipino. Ang OPM ay nakitang kapaki-pakinabang bilang kasangkapan sa pagtuturo ng wika at panitikan, na nakapagpapataas ng interes at kakayahan ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral

Metrics

Metrics Loading ...

Author Biographies

  • Marygrace B. Caipang, University of Bohol

    0186 Dr. Cecilio Putong Street, Cogon Tagbilaran City, Bohol 6300

  • Catherine B. Orcullo, Bohol Island State University

    Carlos, P. Garcia Avenue, Tagbilaran City, 6300 Bohol

References

Agbayani, E. (2020). Ang Pagsusuri Sa Katangian Ng Davao Filipino20200605 114078 1slxdfj. Msuiit. https://bit.ly/3PQ0GHY

Alvarado, E. T., Bacalla, L. A., & Largo, R. C. (2018). Varayti Ng Wikang Sugbuanong Binisaya Sa Hilagang Cebu. Global Journal of Human Social Science: C Sociology & Culture, 18(4). https://bit.ly/4cJ5NDI

Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987. (1991). Official Gazette. https://bit.ly/48P1fbC

Downloads

Published

2024-09-30

Issue

Section

Articles

How to Cite

Pagsusuring Pangnilalaman sa mga Piling Orihinal na Pilipinong Musika (OPM): Disenyo ng Aralin. (2024). UB Advancing Filipino Research Journal , 2(1), 109-121. https://doi.org/10.15631/ubafrj.v2i1.212