Pagsusuri sa mga Piling Fliptop Lines Nina Abra at Loonie: Mungkahing Disenyo Ng Aralin

Authors

  • Ana Rhea Miculob University of Bohol

DOI:

https://doi.org/10.15631/aubgsps.v17i1.154

Keywords:

Pagsusuri, Fliptop Lines, Disenyo ng Aralin, Implikasyon, Antas ng Wika, Dimensyong Pantao

Abstract

Ang pag-aaral ay pinamagatang: Pagsusuri Sa Mga Piling Fliptop Lines nina Abra at Loonie: Mungkahing Disenyo Ng Aralin.Ang pag-aaral na ito ay may layuning: masuri ang antas ng wikang nagingibabaw sa mga piling fliptop lines nina Abra at Loonie; matukoy ang paglalarawang ginamit; masuri ang pangkalahatang dimensyong pantao; matukoy ang implikasyon ng fliptop lines nina Abra at Loonie sa pagtuturo ng panitikan sa asignaturang Filipino;at makabubuo ng mungkahing disenyo ng aralin.Ang disenyong kuwalitatibo at palarawang pananaliksik sa mga piling Fliptop Lines nina Abra at Loonie ang ginamit ng pag-aaral. Sinuri ng mananaliksik ang labinlimang (15) Fliptop Lines ni Abra at labinlimang (15) Fliptop Lines ni Loonie. Ang antas ng wikang nangingibabaw sa mga piling fliptop lines nina Abra at Loonie ay ang antas na pambansa. Ang paglalarawang nangingibabaw sa mga piling fliptop lines nina Abra at Loonie ay ang masining na paglalarawanSa dimensyong pantao ang nangingibabaw sa mga piling fliptop lines ni Abra ay ang pisikal at emosyunal na dimension, samantalang sa mga piling fliptop lines naman ni Loonie ay ang dimensyong intelektwal. Batay sa naging resulta ng pag-aaral, napag-alaman na ang mga salita sa mga fliptop lines nina Abra at Loonie ay nasa iba’t ibang antas ng wika. Mula sa pinakamababang antas patungo sa pinakamataas. Ang paglalarawang nangingibabaw sa mga piling fliptop lines ay ang masining na paglalarawan. Ang mga salitang ito ang nagpapatingkad at naglalantad sa bawat salitang binibitawan nila. Ito rin ay nagtataglay ng mabisa at malikhaing paggamit ng kasangkapang panliteratura tulad ng mga tayutay at simboolismo na nagsisilbing tulay upang maintindihan ng mga tagapakinig ang mas malalimang mensahe. Ang dimensyong pantao na nangingibabaw sa mga piling fliptop lines ni Abra ay ang pisikal at emosyunal. Samantalang sa mga piling fliptop lines naman ni Loonie ay ang dimensyong intelektwal. Mahalagang isaalang-alang ang mga magpapaunlad sa dimensyon ng tao sapagkat isa ito sa mga makakapukaw sa atensyon ng mga tumatangkilik nito. Batay sa nabanggit na konklusyon, ang sumusunod na rekomendasyon ay inilatag: Iminumungkahi ang paglathala ng kinalabasan ng pag-aaral at nang mabasa ng mga guro ang natipong fliptop lines na maging batayan at gamitin sa pagbuo ng karagdagang estratehiya sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Gamitin ang mga fliptop lines, upang malinang ang pagkamalikhain hindi lamang ng guro pati na rin ang mga mag-aaral sa paglalahad ng araling wika at panitikan. Gawing kagamitan sa pagtataya ang mga fliptop lines sa mga kasanayang pagsasalita at pagpapahayag ng mga mag-aaral.

References

Abueg, E. R., Carpio, P. S., Castillo, M. J. A., Balagot, A. D. C., Peña, R. P., Adaya, J. G., Mendoza , V. S., & Malaga, M. A. (2012). Muhon: Sining at kasaysayan ng Panitikan ng Pilipinas. Jimczyville Publications.

Downloads

Published

2020-09-22

Issue

Section

Articles

Similar Articles

41-50 of 61

You may also start an advanced similarity search for this article.