Pagsusuri sa mga Piling Maikling Kuwento ni Liwayway Arceo: Mungkahing Gabay Ng Pagtuturo
DOI:
https://doi.org/10.15631/aubgsps.v15i1.144Keywords:
Elemento, Estilo, Makabuluhan, Nangingibabaw, Pagsusuri, Simbolismo, TampokAbstract
Ang pag-aaral ay pinamagatang Pagsusuri sa mga Piling Maikling Kuwento ni Liwayway Arceo. Nilalayong masuri ang elementong nangingibabaw; temang napapaloob, at makabuluhang tampok sa mga piling maikling kuwento. Ginamit sa pag-aaral ang desinyong palarawan sa paraang pagsusuring pangnilalaman sapagkat nilalayong matuklasan, mailarawan, masuri at mabigyang pagpapakahulugan ang taglay na mga elemento ng piling maikling kuwento. Ang pag-aaral ay nakaangkla sa mga teoryang mimetikoni Plato, teoryang kognitib ni Piaget, teoryang constructivismni Bruner, at Social Learning Theory ni Bandura. Natuklasan sa pag-aaral na nangingibabaw ang mga elementong pampanitikan sa piling maikling kuwento. Pumapaksa sa iba’t ibang sitwasyon at realidad na nagaganap sa buhay. Namayani ang babae bilang pangunahing tauhan. Kalimitang nasa loob at labas ng tahanan ang tagpuan ng mga kuwento. Sa tunggalian, namayani ang tao laban sa tao. Nanguna ang himig na kalungkutan at lihim na hinanakit upang mas maipahayag ang damdamin. Sa simbolismo, mayroong iba’t ibang ginamit na bagay na nag-iiwan ng mas malalim na pagpapakahulugan. Unang at ikatlong panauhang pananaw ang ginamit sa kuwento. Ang estilo ng paglalahad ng kuwento ay pagsasalaysay, paglalarawan at pagdadiyalogo. Sa pagbuo ng isang maikling kuwento, kailangan ang mga elementong pampanitikan upang maisakatuparan ang paglalarawan ng mga katangiang nais iparating sa mga mambabasa, Taglay din ng isang maikling kuwento ang mga nasabing elementong pampanitikan sapagkat ang mga ito ang nagpapalitaw ng kagandanhan sa isang likhang sining katulad na lamang ng maikling kuwento. Iminungkahi na ipaalam at magsagawa ng paglalahad ng papel sa kinauukulan ng paaralan ang kinalabasan ng pag-aaral na ito na higit na kilalanin ng mga guro ang may-akda ng maikling kuwentong; gawing hamon ang pagtuturo ng maikling kuwento; at ilakip ang mga natipong maikling kuwentongsinuri sa mga aralin sapagtuturo ng Junior High School.
References
Alavi, F., Ghiasianm, M.S., Poor-Ebrahim, S. & Gilani, M. (2016). A linguistic study of point of view in the short story “rankness and decisiveness” based on simpson’s model. Language Related Research. Retrieved from: http://bit.ly/2TkjRvm
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2019 Etchel E. Vallecera
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.