Pagsusuring Istaylistiko Sa Mga Piling Hugot Lines Ni Bishop Alberto S. Uy: Mungkahing Disenyo Ng Aralin

Authors

  • Irene G. Gule University of Bohol

DOI:

https://doi.org/10.15631/aubgsps.v17i1.155

Keywords:

Istaylistiko, Pagsusuri, Hugot Lines

Abstract

Ang pag-aaral Pagsusuring Istaylistiko sa mga Piling hugot lines ni Bishop Alberto S. Uy. Layuning ng pag-aaral na masuri ang antas ng wika, pagtukoy sa paningin, paraan ng paglalarawan, uri ng tayutay, at implikasyon sa mga piling hugot lines ni Bishop Alberto S. Uy. Ang kwalitatibong pagsusuring pangnilalaman ang ginamit sa pag-aaral. Sinuri ng mananaliksik ang piling pitumpong hugot lines ni Bishop Alberto S. Uy. Nagkaroon ng makabuluhang kinalabasan sa mga sumusunod: sa antas ng wika, karamihang ginagamit na salita sa pagpapahayag nangunguna ang lalawiganin, pampanitikan at pambansa ang pumapangalawa at pumapangatlo ang kolokyal; sa uri ng paningin, karamihang ginagamit ang ikatlong panauhan; sa paglalarawan naman, karamihang ginagamit ang karaniwang paglalarawan dahil ang may–akda ay kadalasan nakikipag-usap sa normal pagpapahayag; samantala sa uri ng tayutay, karamihan sa mga salitang ginagamit sa pagpapahayag ang tayutay na konsonans nangunguna, pumapangalawa ang pagtatambis at pumapangatlo ang paradoks. Makabuluhan ang pagtuturo kung nakukuha ng guro ang interes ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paksang nakapupukaw sa kanilang atensyon. Sa pagtuturo ng hugot lines bilang panitikan, nagkakaroon ng interaksyon ang mag-aaral at guro sapagkat nagkaroon ng tiyakang pag-uugnay ng mga sarili sa tunay na sitwasyong pamumuhay. ito ng makabagong kaalaman. Sa inilahad na mga datos, natuklasan sa pag-aaral na nangingibabaw ang lalawiganin; ikatlong panauhan ang paninging ginagamit ng akda; karaniwang Paglalarawan ang mga hugot; at konsonans na tayutay ang nangingibabaw.

References

Akmaijan, A. (2017). Pag-aaral sa Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral sa Wastong Paggamit ng Wikang Filipinong Our Lady of Fatima University sa Kasanayan sa Pakikipagtalastasan

Downloads

Published

2020-09-22

Issue

Section

Articles

Similar Articles

You may also start an advanced similarity search for this article.