Pagsusuring Kritikal sa mga Piling Nobela Ni Eros Atalia: Mungkahing Disenyo Ng Aralin

Authors

  • Wendy G. Nangkil University of Bohol

DOI:

https://doi.org/10.15631/aubgsps.v17i1.156

Keywords:

Pagsusuri, Nobela, Elemento, Estilo ng Paglalahad, Pagpapahalagang Moral, Implikasyon, Disenyo ng Aralin

Abstract

Ang pag-aaral ay isang Pagsusuring Kritikal sa mga Piling Nobela ni Eros Atalia. Naglalayong suriin batay sa elementong itinatampok at ang Kwalitatibong pagsusuri ang ginamit. Dalawa sa mga akda ay nagkamit ng prestihiyosong gantimpala sa Gawad Palanca at ang tatlo ay nakakuha ng mataas na marka sa goodreads.com. Ang elementong itinatampok sa piling nobela batay sa tema ay isyung panlipunan, politikal, at relihiyon; taglay ang kompletong banghay; ang pangunahing tauhan ay nauuri sa bilog; maayos na nailarawan ang bawat tagpuan; namamayani ang iba’t ibang damdamin; sa paningin, gumamit ang unang dalawang nobela ng pangatlong panauhan at unang panauhan sa huling tatlong nobela; sa simbolismo, nagpapahiwatig ng ibang kahulugan. Ang pagbabalik-tanaw, pagsasalaysay, at paglalarawan ang namayaning estilo. Taglay ang iba’t ibang katangiann ng Pagpapahalagang moral. Ang mga nobela ay hindi lamang nakatuon sa simpleng pag-unawa sa mga akda at literal na kahulugang napapaloob rito. Mahahasa din ang kayayahan sa pagbasa at pag-unawa ng mga makaluma at makabagong salita. Magkakaroon din ng integrasyon sa iba pang asignatura kung gagamitin ito bilang pantulong na kagamitan dahil tumatalakay ito sa iba’t ibang tema na tiyak magdudulot nang mas malawak na pagkatuto. Bilang rekomendasyon; ibabahagi ang mga resulta at mga natuklasan sa kinauukulan, sa mga guro at sa mga mag-aaral upang higit na maunawaan at maisapuso ang mga kaisipang hatid ng sinuring piling nobela

References

Aclas, H. (2015). Pagsusuri: Peksman (Mamatay ka man) Nagsisinungaling ako (At iba pang kwentong kasinungalingan na ‘di dapat paniwalaan) ni Eros Atalia. Retrieved from: https://bit.ly/37fT3n5

Downloads

Published

2020-09-22

Issue

Section

Articles

Similar Articles

21-30 of 62

You may also start an advanced similarity search for this article.