Pagtatasa Sa Kinalabasan Ng Perpormance Sa Assessment of Standards And Skills (Pass) Ng Mga Mag-Aaral Sa Asignaturang Filipino 9 Ng Junior High School, Pamantasan Ng Bohol
DOI:
https://doi.org/10.15631/aubgsps.v15i1.146Keywords:
Pagtatasa, PASS, Summative, Akademik Perpormans, Makrong Kasanayan, Kasanayang PampagkatutoAbstract
Ang pag-aaral ay nakatuon sa Pagtatasa sa Kinalabasan ng Perpormans sa PASS ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino 9 ng UBJHS. Layunin nitong matasa ang perpormans sa iba’t ibang Kompetensi sa PASS, Summative, Akademik Perpormans batay sa mga kasanayang pampagkatuto sa makrong kasanayang pangkomunikasyon. Sa ginawang pagsusuri sa mga mga datos natuklasan ang sumusunod: Sa akademik perpormans, ang nakuhang mean ay Mas Mahusay. Sa PASS at Summative, ang nakuhang mean sa Pass ay Mahusay. Sa Summative batay sa antas ng Kompetensi ng mga makrong kasanyang pangkomunikasyon, ang nakuhang mean ay Mas Mahusay. Sa Kaugnayan sa pagitan ng Summative at akademik perpormans, at Kaugnayan sa pagitan ng Pass at akademik perpormans ang walang bisang hypothesis ay tinanggihan ito’y nangangahulugang mayroong makabuluhang antas ng ugnayan. Batay sa natuklasan inilahad ang sumusunod na konklusyon: ang kasanayan at kakayahan ng mag-aaral ng PASS, Summative, at Akademik Perpormans sa iba’t ibang kompetensi ng kasanayang pampagkatuto sa mga makrong kasnayang pangkomunikasyon ay Mas Mahusay, subalit may mag-aaral na hindi umabot sa inaasahan kaya kinakailangan na pagtuunan ng sapat na panahon sa pagtuturo upang maabot ang inaasahang perpormans. Ang mga sumusunod na rekomendasyon ay inilatag: Pagbisitang muli sa Gabay Kurikulum bilang pagsasakatuparan sa bawat markahan. Bubuo ng programang panlunas upang matugunan ang kakulangan sa pagkatuto sa makrong kasanayan sa pagsulat. Magsagawa ng aytem analisis upang masuri kung alin ang dapat iwaksi at manatili. Dapat ilahad sa mga kinauukulan ang resulta ng pag-aaral upang makagawa ng angkop na aksyon tungo sa mas lalong pagpapabuti.
References
Abudu, K. A., & Gbadamosi, M. R. (2014). Relationship between teacher’s attitude and student’s academic achievement in senior secondary school chemistry. A case study of Ijebu-Ode and Odogbolu Local Government Area of Ogun state. Woodpecker Journal of Educational Research, 3(3), 035-043. Retrieved from https://bit.ly/3v8v0C5
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2019 Carolite C. Kibir
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.