Katotohanang Panlipunan Sa Mga Piling Maikling Kuwentong Pilipino Ni Vicente Sotto, Sr.: Isang Pamaksang Pagsusuri
DOI:
https://doi.org/10.15631/aubgsps.v15i1.143Keywords:
Literatura, Katotohanang Panlipunan, Philosophical-Psychological Projective Technique, Panunuring Pampanitikan, Philippines, AsiaAbstract
Ang tao ay napaliligiran ng sining at ang buhay mismo ng tao ay isang sining. Ang panitikan bilang isang piyesa ng sining ay paggaya ng buhay; ang paggayang ito ay hinubog sa karunungan ng tagapaglikha kaya ito ay maaaring dumaan sa panunuring pampanitikan. Nilalayon ng pag-aaral na ito ang masuri nang papaksa ang katotohanang panlipunang nakapaloob sa mga piling maikling kuwentong Pilipino na sinulat ni Vicente Sotto, Sr. Ang pag-aaral na ito ay nakaangkla sa theorya ni Lev Vygotsky na Social Development Theory. Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng Philosophical-Psychological Projective Technique ng pagsusuri na kung saan ang mga tauhang nagsiganap sa iba’t ibang papelay naglalantad ng kanilang pag-iisip at katauhan ayon sapapel na ginagampanan sa lipunang ginagalawan. Ito ay isang kwalitatibong pananaliksik na kung saan ang maikling kuwento ay binasa at kinilala bilang isang likhang-sining. Ipinakita sa kinalabasan na ang piling maiikling kuwento ni Vicente Sotto Jr. ay kakitaan ng katotohanang panlipunang patuloy na umiiral mula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan batay sa tunggaliang ipinaglalaban, pagpapahalagang pantao at panretorikang pananaw na isinabuhay ng mga tauhan; tagpuan; paksa at simbolismo. Kaya iminumungkahing gamitin angmaiikling kuwento ni Vicente Sotto Sr. bilang lunsaran sa pagtuturo ng panitikan lalo na sa maikling kuwento.
References
Aguila, C. J. (2017). Isang Salamisim sa Pagkabata: Pagsusuri, Pagtuklas, at Ebalwasyon sa mga Kuwentong Pambata na Nagwagi sa Gantimpalang Palanca sa Panitikan. The Normal Lights, 11(1). Retrieved from https://bit.ly/3DCD40Z
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2019 Maria Luisa L. Arbasto
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.